Sinulat daw ni Alanis yung kantang No Pressure Over Cappuccino para sa kapatid nyang guru (o someone na may mataas na spiritual state). Nung una kong narinig yun nagfeeling ako na baka ako yung kinakantahan niya. Hahaha. Highschool ako nung naging paborito kong kanta yun tas lagi naming kinakanta ni Patti... Kasi feeling namin bagay samin... Hahaha. Anyhow... Hindi ko naman ididissect yung kanta. My gally ano ko gagawa ng paper? Hahaha. Wala nabanggit ko lang kasi parang akma sa panahon nung narinig ko ulit.
Lumabas na ko sa ospital. Mahirap pala yun akala ko kasi mamamatay na ko. Sabi nga nung doktor magpakatino na ko kasi second life ko na to. Naramdaman ko naman yun e. Shit talaga yung takot nang akala mo mamamatay ka na. Pati nanay mo natatakot. Sabi nga ng nanay ko hindi daw niya alam kung pano sasabihin sa tatay ko kung sakaling mamatay ako nun. Pero sa awa ng Panginoon at sa dasal ng maraming tao, buhay ako at nag-aaral parin. O baka masamang damo lang talaga ako. Hahaha. Pero kung sa ano pa mang kadahilanan, nandito ako at may pagkakataon pang mabuhay, at matuto. Hangga't buhay, maraming matututunan. Yun naman ang puno't dulo ng buhay at pagkakataon, ng occurence ng mga bagay, ng aktwalisasyon ng mga bagay, ng kadahilanan ng mga nagaganap--ang pagexpand ng kaaalaman ng tao. Pero syempre kung highly intellectual ka, sabi nga ni alanis, di naman naeequate yun sa wisdom ng isang tao. Yung kadahilanan ng mga nagaganap, yun ang humahasa sa pagiging wais ng isang tao. Ang intellect naman parang may pagkainnate din yan e kahit sabihin mong bunga ng impluwensya (at walang natural sa mundo at walang innate sa mundo). Nonetheless, it's quite useless unless gagamitin mo para ma-impress ang potential mate mo (na ginagawa din ng mga hayop). Ang sinasabi ko lang, importanteng matuto. At habang buhay ka pa, sikapin mong matutunan ang mga bagay at ichannel (o ma-put into actualization) lahat ng natutunan mo para sa sarili at pansambayanang kapakanan.
Kaya ayan, to shift or not to shift? Dahil sa mga pinagsasasabi ko, mga binitiwang salita na may kalakip na mga responsibilidad (dahil ganon ka-powerful ang salita at ito'y nakamamatay kaya piliing mabuti ang sasabihin), may karapatan (more on responsibilidad kung gusto kong linawin ang mga responsibilidad na iyon) akong lumipat at matutunan ang mga bagay na kailangan kong matutunan. Maiksi ang buhay at na-blab ko na lahat ng tungkol sa kalinangan ng isang tao at sa kadahilanan ng pagkabuhay (na personal ko lang naman pong opinyon). Kung lilipat ako, iyan ang dahilan. Hindi dahil tumatakas ako. O bored na ko sa ginagawa ko. O nahihibang na ko at masyado nang nalason ng gamot ang utak ko. (tingin ko mas nakakalason ang lipunan kaysa kahit anong droga kaya kung kahibangan ito, sisihin ang republika) Pero hindi ba nakakatakot rin na hindi ko alam kung anong pinapasok ko. At hindi ko rin alam kung pano ako napasok dito. Kung tutulungan ako ng Poong Maykapal at ng mahuhusay kong kaibigan, well and good. Pero paano ko malalaman kung saang panig nakahilig ang Diyos?
Bagong yugto ng buhay. At least buhay pa ko. At nakakasama ko pa kayo. Kailangan mo lang talaga ng near-death experience para maumpog sa pader. Para pag sinabi sayong namiss ka talaga nila... Maniniwala ka... at di ka sasagot ng "ows." Kasi alam mong namiss mo rin sila. At matututo kang magpasalamat sa Panginoon para sa lahat ng taong nagmamahal sayo. At natakot mo sakaling mawala ka. Sana lang noh mas naging importante ako sa kanila. Kasi mas naging importante sila sakin. Naks naman.
Ayun. Salamat sa mga dasal. Salamat lang.
And you're like a 90's Jesus
And you revel in your psychosis
How dare you?
And you sample concepts like hors d'euvres
And you eat their questions for dessert
Is it just me or is it hot in here?
And you're like a 90's Kennedy
And you're really a million years old
You cant fool me
They'll throw opinions like rocks in riots
And they'll stumble around like hypocrites
Is it just me or is it dark in here?
Well, you may never be or have a husband
You may never have or hold a child
You will learn to lose everything
We are temporary arrangements
And you're like a 90's Noah
And they laughed at you as you packed all of your things
And they wonder why you're frustrated
And they wonder why you're so angry
And is it just me or are you fed up?
And may God bless you in your travels, in your conquests and queries
Thursday, March 26, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)