Mahal kong Isagani,
Mahaba na pala ang buhok mo. Naaalala ko dati hilig kong suklayin yan gamit ang mga daliri ko. May iba na sigurong gumagawa non ngayon.
JPS
Wednesday, July 27, 2011
Friday, July 15, 2011
Mahal kong Isagani,
Matagal-tagal na rin akong hindi nakakasulat. Napakaraming bagay na ang kumakain sa aking oras. Ni hindi na maapuhap ng diwa ko kung pano siya tatakbo sa napakaiiksing mga sandaling may kalayaan siyang mag-isip. Napakaraming ninanais kung patungkol sa pagpapalawig ng sandali: hatakin pahaba ang mga araw, pabagalin ang takbo ng panahon, ibalik ang mga lumipas nang oras upang mas makapamasyal ang isip ng walang panghihinayang.
Kumusta na, kaibigan? Kung ako ang tatanungin mo, marahil alam mo na ang sagot. At marahil alam ko na rin ang sagot sa sarili kong tanong. Marahil, napakaraming marahil, walang katiyakan sa anumang kalagayan. Minsan ko nang sinabing para tayong humaharap sa salamin, inaakalang ang nasa harapan natin ay ang ating sarili--kung paano tayo sa kasalukuyan, replika ng kabuuan ng ating pagkatao. Ngunit ang salamin ay isa lamang patag na may angking sapat na kinis upang ibatong muli ang anyo ng anumang nasa harapan nito, isang patag--walang lalim at walang dimensyon. Opinion ng tumatanaw ang kaharap niya sa salamin at hindi isang payak na elementong may aking sariling anyo't buhay. Ang sariling repleksyon ay isang opinyon. Kung gayo'y hindi nagsisinungaling ang salamin, nagkakaroon lang ng taliwas na pagtanaw dito. At gusto ko lang namang malaman kung kamusta na ang iyong kalagayan dahil ayokong umasa sa interpretasyon ng isang repleksyon tulad ng nakagawian.
Bigla nga pala akong napasulat dahil naalala kita sa isang kwentong mitolohiya. Palagi naman talaga kitang naaalala. Bawat mumunting bagay nagpapaalala sa akin tungkol sa iyo. Minsan parang gusto ko nalang ipalagari ang utak ko, tanggalin ang bahagi kung saan ka namumugad. Ngunit naisip kong mangyari mang lagariin ang utak ko ay hindi na nila magagawang tapyasin ang bahagi sa puso kong napamahayan mo na rin. Parang pelikula, paulit-ulit umaandar sa isip ko ang lahat ng ating pinagsamahan; bawat eksena pinagmumunihan, iniisip kung saan ako nagkamali, kung saan ka nagkamali, at kung ano mismo ang pagkakamali natin. Iniisip ko din, paano kung ganyan o paano kung ganito nalang? Paano kung maulit ang pagkakataon at baguhin natin ang ating mga piniling maganap, magbago din kaya ang ating kalagayan sa ngayon? Kung tutuusin, ang katagang 'paano kung' ay isa sa mga iilang linyang tiyak na papatay sa kaluluwa, o kundiman sa katinuan ng isang nilalang. At sa minalas-malas ay iyang katagang yan ang madalas tumatakbo sa aking isipan.
Bumalik tayo sa mitolohiyang aking nabanggit, ang mitolohiyang para ring sumasalamin sa lahat ng atin binabalikan. At ito ay ang Orfeo at Euridice. Mula sa pagkamatay ng kanilang kaluluwa, nangako silang sabay aahon ng hindi lumilingon sa pinanggalingang kamatayan. Aahon nang aahon nang aahon hanggang tumapak sa lupa at maaninag ang liwanag. Ngunit ng dahil sa isang pagkakamali, naglaho ang lahat. Naglaho ang magkalingkis na kamay ng dalawang magsing-irog. Naglaho ang sinisintang karamay sa pagahon. Naglaho ang pangarap ng kaginhawaan sa piling ng isa't isa. Naglaho ang adhikan, ang dahilan sa pagtahak tungong kaliwanagan. Naglaho ang kumakapit, ang kinakapitan. Dahil sa isang pagkakamali, naglaho ang saysay ng lahat ng paghihirap.
Ano nga ba ang kamaliang naganap, kamaliang ang kapalit ay tuluyang paglaho ng minamahal? Lumingon nga ba si Orfeo sa pagnanais na tulungang maiahon ang minamahal? Labis ba ang takot ni Orfeo na baka wala na pala siyang kinakapitan? O baka dahil naginhawaan na si Orfeo sa pagtungtong sa liwanag ng lupa ay nawaglit na sa kanyang isipang ang karamay nga pala'y lugmok parin sa kailaliman ng lupa at may kakaunti pang hakbang na tatahakin kaya't hindi pa dapat lingunin? Aling kamalian ang gumuho sa lahat ng pangako? Saan nagkamali ang magsing-irog at di na nabigyang kabuhayan ang dakila sana nilang pag-ibig. Sinadya din kaya ni Orfeong lingunin ang mahal dahil hindi pa siya handang akayin ito hanggang sa liwanag? Kawawang Euridice--ang nagbayad sa kamalian nang walang pakundangan; hindi man lang nabigyan ng pagkakataong itakda ang sarili, hindi man lang nabigyan ng pagkakataong maging masayang muli.
Marahil sa lahat ng naganap, isang tanong lang ang tumakbo sa isip ni Euridice: Bakit lumingon ang kanyang mahal at hinayaan siyang maglaho ng ganun na lamang? Siya na nagbayad sa kamaliang hindi naman siya ang may gawa, may karapatang malaman kung bakit siya ang pumapasan sa parusang pinataw sa kanila, kung bakit siya ang namamatay habang ang isa'y nabubuhay sa liwanag.
Kunsabagay isa lang din naman itong pananalamin. Opinyon lang at wala nang ibang hangarin.
Lagi lang talaga kita naiisip.

Subscribe to:
Posts (Atom)