Sunday, November 23, 2008

Kundiman

Totoo nga ba't wala nang kumakanta ng Kundiman sa ngayon?

Sayang hindi nila mararamdaman kung pano matunaw ang puso. Yung tipong nahuhulog na sa sikmura mong hinalukay. May mga chords na may ganong effect. Lalo na pag augmented na bagsakan. Pwede sa jazz. Pero bago pa magjazz sa Pilipinas, nakalakip na yun sa mga Kundiman. Ang yabong talaga ng kultura, kitang-kita sa timpla ng chords ng mga Kundiman. Sayang naman kung mapapanis lang ang tamis ng mga awit.

Kitang Dalawa

Kung yaring puso ay isang bulaklak
Hagkan mo't ang bango'y samyuin ng lahat
At kung magsawa ka sa bangong nilanghap
Lugasin at kamay mo ang hahalimuyak

Kung yaring buhay ay silid na munti
Bukod tanging ikaw ang magmamay-ari
Alak ng ligaya ang haing palagi
Sa ibang anyaya'y pinto'y nakasusi

Mailap mang ibong ang aking pag-ibig
Ay liligaya rin sa pagkakapiit
Siya'y magpupugad sa mutya kong dibdib
At walang pambuhay kundi ang iyong halik

Ngunit ako'y ako at ikaw ay ikaw
Lupa't langit waring taklob habang araw
Ay lupa ri't langit na magkahiwalay
Kalangitan ka nga't
Ako ay libingan

---

Ang emo ni Amado