Monday, December 29, 2008

Merry Christmas




Bigla ko lang naisip na nabobobo na ko. Kanina wala akong magawa naglakad-lakad ako sa Intramuros, sa Binondo tas nakipag-inuman sa Katipunan. Maganda naman ang Pilipinas kung titingnan mo. Relative naman lahat ng pananaw at sa tingin ko, maganda ang Pilipinas. (Kahit pa sinabi ni Sionil Jose na "Manila is incredibly ugly...") Maganda maglakad sa Roxas Boulevard na maraming parol. Marami ring magkaholding-hands. Pero sa ngayon, na kahit anong gawin kong pagbabasa, kung hindi naman ako nahahasa sa pakikipagpalitan ng kuro-kuro, para na rin akong walang natututunan. Tingnan mo nga't anong natutunan ko sa educational trip ko? Putanginang maganda ang Pilipinas. Sukang suka na kong makinig sa sarili kong mga pananaw. Wala na nga akong input, ano pang ia-output ng utak ko? Puro putak nalang tuloy. Minsan tinatamad na kong magpinta. Nakakalimutan ko na rin kung pano gumuhit. Napapagod na kong umawit kahit Kundiman (e magpapasukan na noh tapos exam na) Di kaya'y kulang lang ako sa pag-ibig? Naniniwala ka ba sa ganon? Na ang pag-ibig ang siyang kahulugan ng lahat ng bagay na sa sobrang abstract basta sabihin mo lang pag-ibig, no questions asked, yun na yun?

Ayun lang, Merry Christmas. Happy New Year. Sana hindi lang pera nasa isip mo ngayon para naman masabi kong pag-ibig ang nagpapainog sa mundo at hindi kapitalismo.

Ayan, ayan ang lasing na, naeempatso pa.

Saturday, December 13, 2008

Madaling Araw

Tangina mo kung...

- di ka nakikinig ng kundiman
- di ka nanunuod ng sarswela
- di ka nagbabasa ng libro
- di ka nagbabasa ng dyaryo
- di ka lumalamon
- di ka nagpapasakay sa koche
- di ka nagtitipid
- di ka namamansin
- di ka nagtuturo pag may nagpapaturo
- di ka gumagawa pag may nagpapagawa
- di ka nakiki-ride
- di ka pa bumibili ng panregalo
- di ka tumatawa
- di ka tumitira
- di ka tumitigil mang-asar
- di ka nanlilibre
- di ka nakikipagpustahan
- nanaboy ka
- nananaboy ka kahit nagmamagandang-tao na yung tao
- di ka nagsasabi ng totoo
- di ka kumakain ng pansit canton
- kebs ka lang
- wala kang pakialam
- wala kang kaalam-alam
- nagsusuplada ka pa
- di ka nag-aaral kunwari
- mayabang ka
- nagmamagaling ka
- di ka nagpipinta
- nababaduyan ka pa sa mga nagpapaka-artsy
- nagsesenti-senti ka (parang gago)
- nangungurakot ka
- korny ka
- di ka nagpapakatotoo
- hindi ka bakla at hindi mo ko gusto (hahaha)
- kupal ka at nampopower-trip
- di ka marunong magdasal
- di ka nag-eeffort
- di kita kaibigan
- di ka marunong magsorry
- di ka marunong magpatawad
- di ka matiyaga
- di ka marunong magtagalog
- di ka nakakalimot
- di ka nakakalimot ng utang
- di ka marunong magwaldas ng pera
- di ka sumasama sa inuman
- di ka nakikitagay
- di ka nabubuhay
- di ka pa nanunuod ng Atang

Tangina mo! Hahaha!

---

Madaling Araw

ni Francisco Santiago

Irog ko'y dinggin
Ang tibok ng puso
Sana'y damdamin
Hirap nang sumuyo
Manong itunghay
Ang matang mapungay
Na siyang tanging ilaw
Ng buhay kong papanaw

Sa gitna ng karimlan,
Magmadaling araw ka
At ako ay lawitan ng habag
At pagsinta
Kung ako'y mamatay
Sa lungkot, nyaring buhay
Lumapit ka lang at mabubuhay

At kung magkagayon Mutya,
Mapalad ang buhay ko
Magdaranas ng tuwa dahil sa iyo
Madaling araw na sinta
Liwanag ko't tanglaw
Halina irog ko at
Mahalin mo ako

Mutyang mapalad na ang buhay ko
Nang dahilan sa ganda mo,
Madaling araw na sinta
Liwang ko't tanglaw
Halina irog ko at
Mahalin mo ako

Manungaw ka liyag
Ilaw ko't pangarap
At madaling araw na.

*Waw, Twilight na Breaking Dawn!