Monday, December 29, 2008

Merry Christmas




Bigla ko lang naisip na nabobobo na ko. Kanina wala akong magawa naglakad-lakad ako sa Intramuros, sa Binondo tas nakipag-inuman sa Katipunan. Maganda naman ang Pilipinas kung titingnan mo. Relative naman lahat ng pananaw at sa tingin ko, maganda ang Pilipinas. (Kahit pa sinabi ni Sionil Jose na "Manila is incredibly ugly...") Maganda maglakad sa Roxas Boulevard na maraming parol. Marami ring magkaholding-hands. Pero sa ngayon, na kahit anong gawin kong pagbabasa, kung hindi naman ako nahahasa sa pakikipagpalitan ng kuro-kuro, para na rin akong walang natututunan. Tingnan mo nga't anong natutunan ko sa educational trip ko? Putanginang maganda ang Pilipinas. Sukang suka na kong makinig sa sarili kong mga pananaw. Wala na nga akong input, ano pang ia-output ng utak ko? Puro putak nalang tuloy. Minsan tinatamad na kong magpinta. Nakakalimutan ko na rin kung pano gumuhit. Napapagod na kong umawit kahit Kundiman (e magpapasukan na noh tapos exam na) Di kaya'y kulang lang ako sa pag-ibig? Naniniwala ka ba sa ganon? Na ang pag-ibig ang siyang kahulugan ng lahat ng bagay na sa sobrang abstract basta sabihin mo lang pag-ibig, no questions asked, yun na yun?

Ayun lang, Merry Christmas. Happy New Year. Sana hindi lang pera nasa isip mo ngayon para naman masabi kong pag-ibig ang nagpapainog sa mundo at hindi kapitalismo.

Ayan, ayan ang lasing na, naeempatso pa.

No comments: