Eh nagpapakaradikal nga ako kaya ako nagpahighlights ng pink. Sabi ko nga dun sa bakla blue e. Kaso mo nagpakulay ako ng red dati. Tas humalo na parang naging violet. Tas kumupas na naging pink. Kaya pink ang highlights ko ngayon. Dahil nagpapakaradikal ako.
Nagpapakaradikal ako parang nung every year nalang kumakanta ako sa opera pero nakapanlalaki. Kelangan nila ng soprano choir pero gusto ko lalaking soprano para heavy. Para parang may political statement. Dahil sa pink kong buhok naiintriga na ang mga tao. Parang gusto na rin nilang magpakulay ng pink. Sumisigabo na ang social life ko at nagiging instrumento ko ang pink kong buhok para makipagdaldalan sa mga tao. Tumaas nga confidence level ko e. Kasi maganda daw tingnan. O diba kung at least 5 times a day papansinin buhok mo, 35 times a week, feeling mo superstar ka na. Instant attitude kumbaga kahit nakapambahay ka lang. Kung dalang-dala mo pa kasi feeling mo nga may gusto kang ipahiwatig, grabeng level na ng confidence yun. Pero hindi yung tipong magkakatwister na sa sobrang hangin. Pansinin kumbaga kesa nung dating wala ka man lang makausap. Eh kung mangangampanya ka pa. Maaalala ka ng mga tao dahil sa pink mong buhok.
Tapos ngayon papakulayan niyo ng itim? Aba, pati ba buhok ko minimilitarize niyo? Kunsabagay choice ko naman tong pinasok ko. Pero kung demerits lang at demerits ang itatapat nyo, bring it on baby! Kahit gabihin pa tayo sa kaka-squat thrust ko. Tingnan mo naman ang buhok ko. May statement talaga. Lalabanan ang militarization, nagpapakatibak. No sir, I won't dye my hair, sir. Ife-fake ko nalang. Sespray-an ko nalang ng itim. Pero sa loob, pink parin lalo na pag di kayo nakatingin. Gusto ko parin naman pumasa noh. Mapapagod din ako kaka-squat thrust. Pero di ko pakukulayan ng itim ang pink kong buhok hanggang sa mapagod din kayo sakin.
Sunday, January 25, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment