Lahat ng tao ngayon nagbe-break.
Kasi minsan, hindi mo sinasadya nasasaktan mo na ang taong mahal mo. (shit ang senti) Pero applicable din naman to hindi lang sa context ng eros romantic love. Tulad nalang sa major ko, mahal ako ng major teacher ko. Hahahahaha. Problema mahal ko din naman siya. Pero, tulad ng lahat ng sawing pag-ibig, may outside factor, third party, third wheel-- na pwedeng nagtutunggaliang pwersa lang sa paligid, o kaya demonyong umaaligid, o kaya... basta sa kaso ko, eto yung pag-ibig vs pangarap scenario.
Sabi ko kay Lord, pag na-uno ko yung diagnostics ko, di na ko magshishift... Kasi milagrong mangyari yun... galing pa kong ICU... whadahell... nangyari nga ang mangyayari... uno.. flat... pero bat hindi ako masaya? Kasi masakit sa loob. Isang malaking opportunity cost. Kung mangyari man. At mahirap pa kong pakawalan. Hindi naman ata ako ile-let go ni teacher dahil parati niya kong pinepep talk. Pine-pep talk na hindi pa ba sapat na sign yun na huwag akong lumipat? Hindi ko alam to the point na nagdodoubt na ko sa kakayahan ko. Na baka manipulated sign yun and i don't deserve it.
Or maybe i do. And it's a huge trade-off.(?) ewan ko, nakakaiyak. hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay. Sana may magsabi sakin. Milagro.
Pero ang sabi nga nila... aanhin mo ang uno kung hindi ka naman masaya? E duh, masaya ako noh uno yun e! haha. Sa katunayan, kaya mo bang iquantify ang individuality ng isang tao? Hindi naman ganon ka-stable ang development para maging ganon ka-quantifiable. Ano ang uno? sa larangang ito, ano ang nais ipahiwatig ng uno? Isa ba itong subjective incentive base sa opinyon ng random combination ng panel mo at sa timpla ng panahon? pano kung icompute mo ang probable combination ng panel at base sa kanilang mga personality, ano ang chances na makakakuha ka ng uno? Gaano nga ba kapayak ang numerong uno para sabihing ito ang magdidikta ng desisyon mo sa buhay?
Minsan talaga, may mga taong sadya mong nasasaktan at masasaktan nang hindi sinasadya. At minsan sa proseso nasasaktan mo ang sarili mo. Lalo na kung madali kang makunsensya. Minsan kailangan mo lang ire-evaluate ang mga prinsipyo mo sa buhay. Minsan kailangan mo lang ng kausap. Minsan nga nangungulit ka pa e. Minsan lang talaga nasasaktan ka. Minsan lang talaga wala ka nang masabi. Hahaha. Mejo irrelevant na to kasi bigla lang pumasok sa stream of consciousness ko. Hahaha. Hindi na coherent ang utak ko kasi matagal na kong bipolar at ang aking nagtatalong pagkatao ay gusto ng ganto at gusto ng ganyan. Hindi naman issue sakin yung mismong to shift or not to shift. Ang issue sakin ay hindi ko alam kung saan ako magiging successful at magiging masaya. Dahil yun at yun ang pangarap ko sa buhay.
Minsan kailangan mo lang mag-summer. Minsan kailangan mo lang aminin sa taong mahal mo na mahal mo sila at nasasaktan ka na nila nang hindi nila namamalayan. (ok out of context)
Minsan isang araw... nagkaron ng period for break-ups.
Wednesday, April 1, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment