Ui, nakabalik na ko!
Binisita ako sa isang panaginip (ng isang prominenteng alagad ng sining. oo ang weird na ganyan ang mga panaginip ko) at ngayon biglaan na kong nagiging prolific na pintor. Nakakaubos ng oras pero masarap namang palipasin ang oras sa mga bagay na makabuluhan tulad ng pagkakaroon ng pribilehiyo ng maraming biswal na produktong hindi naman ako sanay matamasa miski noon pa.
Marami na talagang pagbabago at ang pagbabago ay hindi maiiwasan dahil ang tao ay tao at ang tao ay mananatiling tao kahit hindi nananatili ang pagkatao. Ang tao ay isang existence na hindi ganoon ka-existential(?) Parang prutas, walang katulad ang nilalaman at patuloy paring nagbabago sa panahon ang kabuuan ngunit habangbuhay iisa ang bansag, iisa ang uri kahit gaano man kapakla kumpara sa ibang kawangis din naman ngunit di lubusan. Dahil ang natural na takbo ng panahon ay laging natural, natural na ang kahulugan ay ang siyang di nakaranas ng kahit anong uri ng manipulasyon. At dahil ang tao ay taong natural at ang natural ay ang siyang perpekto. At sa pagiging natural ng tao ay hindi ito nakakahanap ng kaligayahan, (dahil hindi na napapanahon ang pagiging natural) kaya't walang nakukuntento sa pagiging natural ng tao at walang nakakahanap ng tunay na perpeksyon na ang tanging paraan ng pagkamit ay ang pagtanaw sa nakagawian ng buong puso, dahil doon din naman nagmula ang lahat ng bagay, ang mga bagay na hindi nakaranas ng manipulasyon. Ang manipulasyon ay ang siyang prosesong walang katapusan. Ang manipulasyon ay bunga ng kawalan ng kontentment. At ang manipulasyon ay prosesong patuloy na hahanap-hanapin ng taong hindi natututo, na patuloy na naghahangad ng perpeksyon, na sa premises ng ating pinaguusapan ay obvious din namang hindi makakamtan ng siyang humahangad kung tanging sa manipulasyong lang din ito umaasa.
Kaya ang kailangan ay pagbabago. (Uso to ngayon) Patuloy na pagbabago hanggang sa isang araw, malalaman mong ang pagbabago ay patutungo din sa basic, sa pinanggalingan ng lahat. Hanggang sa ang lahat ng pagbabago ay patutungo din sa natural dahil lahat ng proseso ay cycle. Ang wakas ay laging simula. Diyan hindi ako nagkakamali. Lahat ng proseso ay cycle. Isipin mo nalang kung gaano ka-abundant ang hugis na bilog sa buhay at sa mundo. Lahat ng bagay ay bilog. Dahil ang Diyos mismo ay bilog. At ang wakas ng bilog ay ang simula ng bilog. At ang natural na simula ang babalikan ng pagmamanipula sa isang cycle (na bilog). At kung magkagayon, ang bilog ay perpekto. At mananatiling perpekto ang lahat ng bagay na bilog.
At posibleng magbago ang pananaw ng lahat ng tao. At ang adhikain ng lahat ng tao. At ang ipinaglalaban ng lahat ng tao. At ang pangarap ng lahat ng tao. Dahil lumalaki ang bilog, lumiliit ang bilog. Ang maliit na bilog ay makitid at maliit lamang ang nasasaklaw. Pero ang lahat ng bagay ay bumabalik sa pinagmulan. Isipin mo nalang, sa dulo ay perpekto ang lahat ng bagay.
Monday, May 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment