Sunday, February 28, 2010

Minsan nang Masarap Magtrabaho

Hanggang Sa Muli
the company

Kay raming inawit na galing sa dibdib
Sana'y napaligaya kayo kahit saglit
Awiting malungkot, awiting masaya
Dulot sa ati'y damdaming kakaiba

Habang umaawit ay naaalala pa
Ang nakalipas sa buhay, malilimot pa ba
Ngunit pansamantala'y hanggang dito na lang
Hanggang sa muli kayo'y aawitan

Hanggang dito na lamang at hanggang sa muli
Bibilangin namin ang mga sandali
Ang nais nami'y kayo'y makapiling
Sa simula hanggang wakas ng bawat awitin

Saan man magtungo sasamahan kayo
Ng alaala ng awiting ito
Parang kaibigan na maaasahan mo
Hanggang sa muli magkita tayo

Hanggang dito na lamang at hanggang sa muli
Hindi ito wakas ng masayang sandali
Simula pa lang ito ng ating awitan
Kantahang tatagal magpakailanman

Hanggang dito na lamang
At hanggang sa muli

Sunday, February 21, 2010

Mi querido,

Como estas? Iniisip ko palang ang iyong tugon ay napapangiti na ako sa pag-iisip sa iyo. Ikaw na nagbibigay sigla sa bawat sandali sa pamamagitan ng pagpapatamis sa aking mapapaklang pang-araw-araw na gawain. Hindi nawa magmaliw ang siglang bumubuhay sa ating dalawa na nanunukal sa bawat nating puso.

Como estas mi amor? Inaalagaan mo ba ang iyong sarili? Pinalalawak mo pa ba ang iyong karunungan? Ang dunong, mi querido, ang nagpapalaya sa kaluluwa, ang nagpapalalim sa isip, at ang nagpapatatag ng damdamin-- huwag mo itong pabayaan. At sa inaraw-araw na nilikha ng Panginoon, pinagdarasal kong huwag kang maging bilanggo ng kapayakan ng makamundong pamumuhay. Wala ng nadudulot na makabuluhan ang pagsabay sa agos ng panahon nang di ginagawaran ng lantarang pag-iisip. Huwag mong hayaang lamunin ng mundo ang iyong pagkatao, at iluwa ito sa anyong wala ng makakaaninag. Huwag mong pabayaan, alang-alang sa iyo at sa akin, ang iyong pananampalataya at ang iyong mga adhikain.

Mi corazón es cautivado por la idea de que. Hindi ko ito maipagkakaila, mi amor. Kaya't hinihiling ko lang sa bawat sandali na lagi kang manatiling masaya. Ligaya ko ang makita kang maligaya kahit hindi man ako ang sanhi. Ligaya ko ang makita kang nagmamahal kahit hindi man ako ang pinatutungkulan. Ligaya kita, ligayang siya ring nagdudulot ng lumbay, mi amor. At lumbay na siyang nagtatanikala sa pusong nagpupumiglas man ay di makawala. At tanikalang hindi man mapugot ay magninisnis din naman sa paglaon ng panahon, lalo na sa panahong hindi na madidiligan ng pagsilay ang ating pagkabuklod.

At ang tanikalang ito ang nais ko nang malagot. Sa mga pagkakataong nais ko nang batakin ang lubid na siya ko ring tinawid, hindi magawang kalasin ng nangunguyam kong mga daliri ang napakaraming buhol na dinulot ng aking pagiging suwail. Te amo. Amo la idea de que. Gawa rito ang tanikalang nagbubuklod hindi sa atin, kundi sayo sa akin. Soy tu prisionero a pesar de no eres mios.

Te amo, el veneno de mi espiritu, la bala en mi corazon.

Amor

Sarsuwela Strikes Back!


I broke a leg for this one.

Saturday, February 6, 2010

Early Valentine's

the mystery of love is greater than the mystery of death. - oscar wilde

love vs lust:

love is when you admire an object w/o wanting to possess it, lust is when you want to possess an object w/o actually admiring it.

do listen to 'Harana ng Puso' dwbr 104.3 tomorrow night (Sunday) 8pm and hear me sing.

Happy Valentine's!