Sunday, February 21, 2010

Mi querido,

Como estas? Iniisip ko palang ang iyong tugon ay napapangiti na ako sa pag-iisip sa iyo. Ikaw na nagbibigay sigla sa bawat sandali sa pamamagitan ng pagpapatamis sa aking mapapaklang pang-araw-araw na gawain. Hindi nawa magmaliw ang siglang bumubuhay sa ating dalawa na nanunukal sa bawat nating puso.

Como estas mi amor? Inaalagaan mo ba ang iyong sarili? Pinalalawak mo pa ba ang iyong karunungan? Ang dunong, mi querido, ang nagpapalaya sa kaluluwa, ang nagpapalalim sa isip, at ang nagpapatatag ng damdamin-- huwag mo itong pabayaan. At sa inaraw-araw na nilikha ng Panginoon, pinagdarasal kong huwag kang maging bilanggo ng kapayakan ng makamundong pamumuhay. Wala ng nadudulot na makabuluhan ang pagsabay sa agos ng panahon nang di ginagawaran ng lantarang pag-iisip. Huwag mong hayaang lamunin ng mundo ang iyong pagkatao, at iluwa ito sa anyong wala ng makakaaninag. Huwag mong pabayaan, alang-alang sa iyo at sa akin, ang iyong pananampalataya at ang iyong mga adhikain.

Mi corazón es cautivado por la idea de que. Hindi ko ito maipagkakaila, mi amor. Kaya't hinihiling ko lang sa bawat sandali na lagi kang manatiling masaya. Ligaya ko ang makita kang maligaya kahit hindi man ako ang sanhi. Ligaya ko ang makita kang nagmamahal kahit hindi man ako ang pinatutungkulan. Ligaya kita, ligayang siya ring nagdudulot ng lumbay, mi amor. At lumbay na siyang nagtatanikala sa pusong nagpupumiglas man ay di makawala. At tanikalang hindi man mapugot ay magninisnis din naman sa paglaon ng panahon, lalo na sa panahong hindi na madidiligan ng pagsilay ang ating pagkabuklod.

At ang tanikalang ito ang nais ko nang malagot. Sa mga pagkakataong nais ko nang batakin ang lubid na siya ko ring tinawid, hindi magawang kalasin ng nangunguyam kong mga daliri ang napakaraming buhol na dinulot ng aking pagiging suwail. Te amo. Amo la idea de que. Gawa rito ang tanikalang nagbubuklod hindi sa atin, kundi sayo sa akin. Soy tu prisionero a pesar de no eres mios.

Te amo, el veneno de mi espiritu, la bala en mi corazon.

Amor

No comments: