Sunday, May 23, 2010

Bucket List

Yung kaibigan ko kasi, si James, gumawa ng crazy list.. siguro wala rin siyang magawa, bored sa buhay kaya nag-ipon siya ng mga crazy stuff na balak niyang gawin (ba't nga ba, James?) Nainggit ako.. bigla kong naalala na may list nga rin pala kong ginawa dati. lamoyun, yung mga kabalakan mo sa buhay tulad ng list for mr. right na wala nang natama ni isa. Pero itong list na to, pinakamatalinghaga sa lahat. minsan kasi pag alam mong may taning na ang mga bagay, imbis na magmukmok ka habang nag-aabang ng katapusan mas mainam maghanap ng pagkakaabalahan. nakakataba kasi ang magmukmok lang. mahirap tanggapin ang mga bagay na patikim, tulad ng buhay. maiisip mo, kung magwawakas lang din naman e ba't di na ngayon? ba't bukas pa? ba't may oras pa? para saan? alam mo? ako oo! para yan sa Bucket List, na para sa mga bagay na may taning na pero trip mo pang ienjoy. Parang pucha, mawawala na rin naman lahat, ba't di pa natin lubusin? Enjoy while it lasts.

Bucket List:

1. Magsimba sa Quiapo
2. Makita ang original manuscript ng Noli at El Fili
3. Magpahula sa Quiapo (nasa quiapo ka na rin naman)
4. Umorder sa Binondo in Mandarin (goodluck jan)
5. Makipagmake-out sa National Library
6. Magpicnic sa Intramuros
7. Umakyat sa Karilyon at saka sumigaw ng sumigaw
8. Makipagholding hands ng patago (hahaha)
9. Matulog at gumising sa piling ng mahal mo
10. Magpinta ng nakahubad
11. Magpatattoo sa hidden part ng katawan
12. Manalo sa lotto (optional na hindi)
13. Magdesign ng hybrid sportscar na nakaprogram magautopilot
14. Ibenta ang prototype at kumita ng bilyon bilyon
15. Libutin ang mundo
16. Makadiscover ng kung anong makakatulong sa human race
17. Maging National Artist
18. Manalo ng Nobel Peace Prize
19. Makapag-asawa nung tipong magiging power couple kayo, world dominating kumbaga
20. Maging world dominator (diba Sacla?)
21. Magkaron ng glass house sa tuktok ng bundok
22. Magkaron ng solar powered glass house sa tuktok ng bundok na ako mismo ang nagdesign
23. Magkaron ng anak na ang pangalan ay Isagani
24. Maging philantrophist (mayayaman lang ang may karapatang maging philantrophist)
25. Makapagtrabaho para sa UNICEF
26. Makapagtayo ng NGO para sa mga batang nagugutom sa Payatas.. at sa Africa pwede na
27. Magkaron ng ferrari at sariling beachfront house sa miami (yeah)
28. Makapagsugal nang hindi nalulugi
29. Magkaron ng impact sa mga Pilipino
30. Magpakasal sa Pope sa Roma
32. Magpakasal sa Pope sa Roma na tagalog ang misa tas Filipiniana ang theme
31. Malamang makarating sa Roma
32. Mailibing sa pyramid sa Egypt na ako rin ang nagdesign
33. Mahanap ang tunay na kasiyahan

No comments: