Tuesday, June 2, 2009

Bangungot... Malala pa sa Swine Flu

Con-ass, lusot na sa kamara! (Ayon sa bandila na kasalukuyan kong pinapanood)

Naranasan mo na bang bangungutin? Yung tipong hindi ka makakilos tas gustung-gusto mo nang gumising hindi ka parin magising... Yung nagdadasal kang magalaw mo lang isang parte sa katawan mo, isa lang, susunod na lahat? At paggising mo... Basang-basa ka sa malamig na pawis mulo ulo hanggang paa... Hinahagbol mo pa yung hininga mong pilit kang tinakasan...

Nakapanood ka na ba ng horror? Yung tipong paggising mo sa bangungot after 10 seconds biglang mangyayari yung bangungot... Parang yung sa Tale of Two Sisters... Kaso nakakaantok yun e... Psych thriller lang pala kala ko horror talaga... Anyway, yun magaganap sakto kung pano mo napanaginipan? Horror noh?

Kasi hindi mo talaga mapapaliwanag kung bakit parang namamagnify ng panaginip lahat ng emotion na nararamdaman mo sakali mang maencounter mo yung ganong situation ng conscious ka... Kaya talagang magrereplay yung same magnitude of emotions pag conscious ka na... Kasi napangunahan ng bangungot... Panghorror talaga...

Eto na yung horror ko... Binangungot daw ako (kasi narinig ko mula sa isang source, napanaginipan ko tuloy) na natuloy ang con-ass tas tumakbong kongresista si Gloria sa Pampangga... tas nanalo.. tas may immunity tuloy sa mga kaso nya ng kurapsyon... tas naging minority floor leader... (kahit ano, panaginip lang naman yun) tas natapos iamend ang konstitusyon... tas chedeng! siya na prime minister! tas transition president lang yung nanalo ng 2010... tas ayun... nagising ako... panaginip lang pala Thanks Lord!...

Tas... after many seconds... and many days... nakapagrehistro na ko kasi humupa na yung damdamin kong di mapanatag sa mga agam-agam ng posibilidad na isabotahe lang naman din ang eleksyon... Aba! bigla akong nanuod ng Bandila... na lagi ko namang ginagawa.. minsan saksi... kahit alin... tas ayan.. nagbablog na ko ngayon kasi para talagang horror!...

E pinaguusapan pa naman namin yung mga trapo... At kung pano nila pakinabangan ang kaban ng bayan... at kung pano rin pakinabangan ng mga anak nilang tugsh tugsh lang ang inaatupag... Yan tuloy nakakabuntis... (O wala akong pinatatamaan... problema mo na yung kung bumukol... tinamaan ka kasi siguro) E pano nalang? Sabay-sabay ba tayong lulubog sa Pacific Ocean? Bangungot talaga, pare... Inuman nalang tayo para makalimot...