Friday, September 10, 2010

Ang Sarswela Experience

Oo na, kakaiba na kung kakaiba. Ako na ang weird. Pero nahanap ko na ang calling ko at ito ay ang kundiman at sarswela. Sa panahon ngayon bibihira nalang ang nangangarap magtaguyod ng Sining Pilipino. Lalo naman sa henerasyon ko, o sa mga kaedad ko. Salamat nalang at nabigyan ako ng gantong uri ng pagkakataong makilahok sa sarswela dahil sa ganitong mga pagkakataon mo lang mararanasan kung gaano karubdob ang damdaming Pilipino. Sana mas marami pang dumating! Mabuhay ang Pilipinas!