"Magtiis...gumawa!" ulit ng maysakit nang buong kapaitan. "Aaa! Madaling sabihin ito kapag hindi nagdurusa...kapag ginagantimpalaan ang gawain. Humihingi ang inyong Diyos ng napakalaking pagtitiis sa tao na halos hindi makaasa sa kasalukuyan at nag-aalinlangan sa hinaharap. Kung nakita sana ninyo ang mga nakita ko, mga kawawa, mga sawimpalad na nagtitiis ng di-mailarawang pahirap dahil sa mga krimeng hindi nila ginawa, mga pagpatay upang pagtakpan ang isang pagkukulang at kawalan ng kakayahan, mga kawawang ama ng pamilya, inagaw mula sa kanilang tahana upang gumawa nang walang-kabuluhan sa mga lansangang nasisira tuwing umaga at waring pinananatili lamang upang wasakin ang mga pamilya. Aaa! Magtiis...gumawa. Ito ba ang kalooban ng Diyos? Kumbinsihin ninyo silang mga sawimpalad na kaligtasan nila ang pagpatay sa kanila,na kaunlaran ng tahanan nila ang ginagawa nila! Magtiis...gumawa. Ano bang Diyos iyan?"
"Isang Diyos na lubhang makatarungan, Ginoo,"
sagot ng saserdote.
El Filibusterismo (V. Almario)
Monday, August 11, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment