Super hirap ng buhay dito, dami pang malaria mosquito, mukang nakagat na nga ako. Tapos puro oily chinese food pa kami breakfast, lunch at dinner - araw araw pareho kinakain namin, hindi man lang baguhin. Nagreklamo nga ako sa hotel sabi nila ganon daw talaga dahil wala namang mabibiling iba sa Juba kaya puro ganon pagkain namin.
Tapos ang bilis magbago ng temperature dito. Kapag umulan medyo ok tapos biglang iinit - super at puro alikabok dahil gravel/earth road lang, walang pavement.
Kanina, nag-inspect kami ni Yama ng bridges - super dumi at baho siguro 3 times ng mga bridges dyan ang dumi - puro pa bomba... yakkksss... nakatapak yata ako.
Pagdating ng 3pm sabi ko kay Yama, uwi na kami dahil masakit na ulo ko - baka ma high blood ako at hika sa dumi at alikabok dito.
Yung kwarto pala namin, may kulambo pa kami kung matulog dahil sa dami ng lamok at insekto. Tapos $150 per day kami pero 1 star lang yung hotel, ang pangit...
*Something to think about regarding living, especially in Juba
No comments:
Post a Comment