Wednesday, April 1, 2009

Break-up Period

Lahat ng tao ngayon nagbe-break.

Kasi minsan, hindi mo sinasadya nasasaktan mo na ang taong mahal mo. (shit ang senti) Pero applicable din naman to hindi lang sa context ng eros romantic love. Tulad nalang sa major ko, mahal ako ng major teacher ko. Hahahahaha. Problema mahal ko din naman siya. Pero, tulad ng lahat ng sawing pag-ibig, may outside factor, third party, third wheel-- na pwedeng nagtutunggaliang pwersa lang sa paligid, o kaya demonyong umaaligid, o kaya... basta sa kaso ko, eto yung pag-ibig vs pangarap scenario.

Sabi ko kay Lord, pag na-uno ko yung diagnostics ko, di na ko magshishift... Kasi milagrong mangyari yun... galing pa kong ICU... whadahell... nangyari nga ang mangyayari... uno.. flat... pero bat hindi ako masaya? Kasi masakit sa loob. Isang malaking opportunity cost. Kung mangyari man. At mahirap pa kong pakawalan. Hindi naman ata ako ile-let go ni teacher dahil parati niya kong pinepep talk. Pine-pep talk na hindi pa ba sapat na sign yun na huwag akong lumipat? Hindi ko alam to the point na nagdodoubt na ko sa kakayahan ko. Na baka manipulated sign yun and i don't deserve it.

Or maybe i do. And it's a huge trade-off.(?) ewan ko, nakakaiyak. hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay. Sana may magsabi sakin. Milagro.

Pero ang sabi nga nila... aanhin mo ang uno kung hindi ka naman masaya? E duh, masaya ako noh uno yun e! haha. Sa katunayan, kaya mo bang iquantify ang individuality ng isang tao? Hindi naman ganon ka-stable ang development para maging ganon ka-quantifiable. Ano ang uno? sa larangang ito, ano ang nais ipahiwatig ng uno? Isa ba itong subjective incentive base sa opinyon ng random combination ng panel mo at sa timpla ng panahon? pano kung icompute mo ang probable combination ng panel at base sa kanilang mga personality, ano ang chances na makakakuha ka ng uno? Gaano nga ba kapayak ang numerong uno para sabihing ito ang magdidikta ng desisyon mo sa buhay?

Minsan talaga, may mga taong sadya mong nasasaktan at masasaktan nang hindi sinasadya. At minsan sa proseso nasasaktan mo ang sarili mo. Lalo na kung madali kang makunsensya. Minsan kailangan mo lang ire-evaluate ang mga prinsipyo mo sa buhay. Minsan kailangan mo lang ng kausap. Minsan nga nangungulit ka pa e. Minsan lang talaga nasasaktan ka. Minsan lang talaga wala ka nang masabi. Hahaha. Mejo irrelevant na to kasi bigla lang pumasok sa stream of consciousness ko. Hahaha. Hindi na coherent ang utak ko kasi matagal na kong bipolar at ang aking nagtatalong pagkatao ay gusto ng ganto at gusto ng ganyan. Hindi naman issue sakin yung mismong to shift or not to shift. Ang issue sakin ay hindi ko alam kung saan ako magiging successful at magiging masaya. Dahil yun at yun ang pangarap ko sa buhay.

Minsan kailangan mo lang mag-summer. Minsan kailangan mo lang aminin sa taong mahal mo na mahal mo sila at nasasaktan ka na nila nang hindi nila namamalayan. (ok out of context)

Minsan isang araw... nagkaron ng period for break-ups.

Thursday, March 26, 2009

No Pressure Over Cappuccino

Sinulat daw ni Alanis yung kantang No Pressure Over Cappuccino para sa kapatid nyang guru (o someone na may mataas na spiritual state). Nung una kong narinig yun nagfeeling ako na baka ako yung kinakantahan niya. Hahaha. Highschool ako nung naging paborito kong kanta yun tas lagi naming kinakanta ni Patti... Kasi feeling namin bagay samin... Hahaha. Anyhow... Hindi ko naman ididissect yung kanta. My gally ano ko gagawa ng paper? Hahaha. Wala nabanggit ko lang kasi parang akma sa panahon nung narinig ko ulit.

Lumabas na ko sa ospital. Mahirap pala yun akala ko kasi mamamatay na ko. Sabi nga nung doktor magpakatino na ko kasi second life ko na to. Naramdaman ko naman yun e. Shit talaga yung takot nang akala mo mamamatay ka na. Pati nanay mo natatakot. Sabi nga ng nanay ko hindi daw niya alam kung pano sasabihin sa tatay ko kung sakaling mamatay ako nun. Pero sa awa ng Panginoon at sa dasal ng maraming tao, buhay ako at nag-aaral parin. O baka masamang damo lang talaga ako. Hahaha. Pero kung sa ano pa mang kadahilanan, nandito ako at may pagkakataon pang mabuhay, at matuto. Hangga't buhay, maraming matututunan. Yun naman ang puno't dulo ng buhay at pagkakataon, ng occurence ng mga bagay, ng aktwalisasyon ng mga bagay, ng kadahilanan ng mga nagaganap--ang pagexpand ng kaaalaman ng tao. Pero syempre kung highly intellectual ka, sabi nga ni alanis, di naman naeequate yun sa wisdom ng isang tao. Yung kadahilanan ng mga nagaganap, yun ang humahasa sa pagiging wais ng isang tao. Ang intellect naman parang may pagkainnate din yan e kahit sabihin mong bunga ng impluwensya (at walang natural sa mundo at walang innate sa mundo). Nonetheless, it's quite useless unless gagamitin mo para ma-impress ang potential mate mo (na ginagawa din ng mga hayop). Ang sinasabi ko lang, importanteng matuto. At habang buhay ka pa, sikapin mong matutunan ang mga bagay at ichannel (o ma-put into actualization) lahat ng natutunan mo para sa sarili at pansambayanang kapakanan.

Kaya ayan, to shift or not to shift? Dahil sa mga pinagsasasabi ko, mga binitiwang salita na may kalakip na mga responsibilidad (dahil ganon ka-powerful ang salita at ito'y nakamamatay kaya piliing mabuti ang sasabihin), may karapatan (more on responsibilidad kung gusto kong linawin ang mga responsibilidad na iyon) akong lumipat at matutunan ang mga bagay na kailangan kong matutunan. Maiksi ang buhay at na-blab ko na lahat ng tungkol sa kalinangan ng isang tao at sa kadahilanan ng pagkabuhay (na personal ko lang naman pong opinyon). Kung lilipat ako, iyan ang dahilan. Hindi dahil tumatakas ako. O bored na ko sa ginagawa ko. O nahihibang na ko at masyado nang nalason ng gamot ang utak ko. (tingin ko mas nakakalason ang lipunan kaysa kahit anong droga kaya kung kahibangan ito, sisihin ang republika) Pero hindi ba nakakatakot rin na hindi ko alam kung anong pinapasok ko. At hindi ko rin alam kung pano ako napasok dito. Kung tutulungan ako ng Poong Maykapal at ng mahuhusay kong kaibigan, well and good. Pero paano ko malalaman kung saang panig nakahilig ang Diyos?

Bagong yugto ng buhay. At least buhay pa ko. At nakakasama ko pa kayo. Kailangan mo lang talaga ng near-death experience para maumpog sa pader. Para pag sinabi sayong namiss ka talaga nila... Maniniwala ka... at di ka sasagot ng "ows." Kasi alam mong namiss mo rin sila. At matututo kang magpasalamat sa Panginoon para sa lahat ng taong nagmamahal sayo. At natakot mo sakaling mawala ka. Sana lang noh mas naging importante ako sa kanila. Kasi mas naging importante sila sakin. Naks naman.

Ayun. Salamat sa mga dasal. Salamat lang.

And you're like a 90's Jesus
And you revel in your psychosis
How dare you?
And you sample concepts like hors d'euvres
And you eat their questions for dessert
Is it just me or is it hot in here?

And you're like a 90's Kennedy
And you're really a million years old
You cant fool me
They'll throw opinions like rocks in riots
And they'll stumble around like hypocrites
Is it just me or is it dark in here?

Well, you may never be or have a husband
You may never have or hold a child
You will learn to lose everything
We are temporary arrangements

And you're like a 90's Noah
And they laughed at you as you packed all of your things
And they wonder why you're frustrated
And they wonder why you're so angry
And is it just me or are you fed up?

And may God bless you in your travels, in your conquests and queries

Saturday, January 31, 2009

Unsterbliche Geliebte

guten Morgen am 7ten Juli -

schon im Bette drängen sich die Ideen zu dir meine Unsterbliche Geliebte, hier und da freudig, dann wieder traurig. Vom Schicksaale abwartend, ob es unß erhört - leben kann ich entweder nur gantz mit dir oder gar nicht, ja ich habe beschlossen in der Ferne so lange herum zu irren, bis ich in deine Arme fliegen kann, und mich ganz heimathlich bei dir nennen kann, meine Seele von dir umgeben ins Reich der Geister schicken kann - ja leider muß es sejn - du wirst dich fassen um so mehr, da du meine Treue gegen dich kennst, nie eine andre kann mein Herz besizen, nie - nie -

O GOTT warum sich entfernen müßen, was man so liebt und doch ist mein Leben in V. so wie jezt ein kümerliches Leben -Deine Liebe macht mich zum glücklichsten und zum unglücklichsten zugleich in meinen Jahren jezt bedürfte ich einiger Einförmigkeit Gleichheit des Lebens - kann diese bej unserm Verhältniße bestehen? -Engel, eben erfahre ich, daß die Post alle Tage abgeht - und ich muß daher schließen, damit du den B. gleich erhälst - sej ruhig, nur durch Ruhiges beschauen unsres Dasejns können wir unsern Zweck zusamen zu leben erreichen -sej ruhig - liebe mich - heute - gestern - Welche Sehnsucht mit Thränen nach dir - dir - dir - mein Leben mein alles - leb wohl - o liebe mich fort - verken nie das treuste Herz
deines

Geliebten
L.

ewig dein
ewig mein
ewig unß

(Ludwig van Beethoven)

Sunday, January 25, 2009

Demerits

Eh nagpapakaradikal nga ako kaya ako nagpahighlights ng pink. Sabi ko nga dun sa bakla blue e. Kaso mo nagpakulay ako ng red dati. Tas humalo na parang naging violet. Tas kumupas na naging pink. Kaya pink ang highlights ko ngayon. Dahil nagpapakaradikal ako.

Nagpapakaradikal ako parang nung every year nalang kumakanta ako sa opera pero nakapanlalaki. Kelangan nila ng soprano choir pero gusto ko lalaking soprano para heavy. Para parang may political statement. Dahil sa pink kong buhok naiintriga na ang mga tao. Parang gusto na rin nilang magpakulay ng pink. Sumisigabo na ang social life ko at nagiging instrumento ko ang pink kong buhok para makipagdaldalan sa mga tao. Tumaas nga confidence level ko e. Kasi maganda daw tingnan. O diba kung at least 5 times a day papansinin buhok mo, 35 times a week, feeling mo superstar ka na. Instant attitude kumbaga kahit nakapambahay ka lang. Kung dalang-dala mo pa kasi feeling mo nga may gusto kang ipahiwatig, grabeng level na ng confidence yun. Pero hindi yung tipong magkakatwister na sa sobrang hangin. Pansinin kumbaga kesa nung dating wala ka man lang makausap. Eh kung mangangampanya ka pa. Maaalala ka ng mga tao dahil sa pink mong buhok.

Tapos ngayon papakulayan niyo ng itim? Aba, pati ba buhok ko minimilitarize niyo? Kunsabagay choice ko naman tong pinasok ko. Pero kung demerits lang at demerits ang itatapat nyo, bring it on baby! Kahit gabihin pa tayo sa kaka-squat thrust ko. Tingnan mo naman ang buhok ko. May statement talaga. Lalabanan ang militarization, nagpapakatibak. No sir, I won't dye my hair, sir. Ife-fake ko nalang. Sespray-an ko nalang ng itim. Pero sa loob, pink parin lalo na pag di kayo nakatingin. Gusto ko parin naman pumasa noh. Mapapagod din ako kaka-squat thrust. Pero di ko pakukulayan ng itim ang pink kong buhok hanggang sa mapagod din kayo sakin.

Sunday, January 18, 2009

New Year's Resolution

Kailangan hindi ako magshift sa kahit anong BS para naman ako ang maging cause the Stendhal Syndrome mo. Alam mo yun, kahit nga bakla si Mozart nung sumisikat siya eh sobrang elibs na elibs yung mga tao. Eh ngayon kung pakikinggan mo, parang ang baduy nya. Tingin ko darating din ang panahon ko. Yung tipong sa kaa-artsy-fartsy ko eh darating ang panahon na mahihimatay ka sa art ko. O sino ba namang hindi vain. Basta yun na yun. Makikita mo.

Monday, December 29, 2008

Merry Christmas




Bigla ko lang naisip na nabobobo na ko. Kanina wala akong magawa naglakad-lakad ako sa Intramuros, sa Binondo tas nakipag-inuman sa Katipunan. Maganda naman ang Pilipinas kung titingnan mo. Relative naman lahat ng pananaw at sa tingin ko, maganda ang Pilipinas. (Kahit pa sinabi ni Sionil Jose na "Manila is incredibly ugly...") Maganda maglakad sa Roxas Boulevard na maraming parol. Marami ring magkaholding-hands. Pero sa ngayon, na kahit anong gawin kong pagbabasa, kung hindi naman ako nahahasa sa pakikipagpalitan ng kuro-kuro, para na rin akong walang natututunan. Tingnan mo nga't anong natutunan ko sa educational trip ko? Putanginang maganda ang Pilipinas. Sukang suka na kong makinig sa sarili kong mga pananaw. Wala na nga akong input, ano pang ia-output ng utak ko? Puro putak nalang tuloy. Minsan tinatamad na kong magpinta. Nakakalimutan ko na rin kung pano gumuhit. Napapagod na kong umawit kahit Kundiman (e magpapasukan na noh tapos exam na) Di kaya'y kulang lang ako sa pag-ibig? Naniniwala ka ba sa ganon? Na ang pag-ibig ang siyang kahulugan ng lahat ng bagay na sa sobrang abstract basta sabihin mo lang pag-ibig, no questions asked, yun na yun?

Ayun lang, Merry Christmas. Happy New Year. Sana hindi lang pera nasa isip mo ngayon para naman masabi kong pag-ibig ang nagpapainog sa mundo at hindi kapitalismo.

Ayan, ayan ang lasing na, naeempatso pa.

Saturday, December 13, 2008

Madaling Araw

Tangina mo kung...

- di ka nakikinig ng kundiman
- di ka nanunuod ng sarswela
- di ka nagbabasa ng libro
- di ka nagbabasa ng dyaryo
- di ka lumalamon
- di ka nagpapasakay sa koche
- di ka nagtitipid
- di ka namamansin
- di ka nagtuturo pag may nagpapaturo
- di ka gumagawa pag may nagpapagawa
- di ka nakiki-ride
- di ka pa bumibili ng panregalo
- di ka tumatawa
- di ka tumitira
- di ka tumitigil mang-asar
- di ka nanlilibre
- di ka nakikipagpustahan
- nanaboy ka
- nananaboy ka kahit nagmamagandang-tao na yung tao
- di ka nagsasabi ng totoo
- di ka kumakain ng pansit canton
- kebs ka lang
- wala kang pakialam
- wala kang kaalam-alam
- nagsusuplada ka pa
- di ka nag-aaral kunwari
- mayabang ka
- nagmamagaling ka
- di ka nagpipinta
- nababaduyan ka pa sa mga nagpapaka-artsy
- nagsesenti-senti ka (parang gago)
- nangungurakot ka
- korny ka
- di ka nagpapakatotoo
- hindi ka bakla at hindi mo ko gusto (hahaha)
- kupal ka at nampopower-trip
- di ka marunong magdasal
- di ka nag-eeffort
- di kita kaibigan
- di ka marunong magsorry
- di ka marunong magpatawad
- di ka matiyaga
- di ka marunong magtagalog
- di ka nakakalimot
- di ka nakakalimot ng utang
- di ka marunong magwaldas ng pera
- di ka sumasama sa inuman
- di ka nakikitagay
- di ka nabubuhay
- di ka pa nanunuod ng Atang

Tangina mo! Hahaha!

---

Madaling Araw

ni Francisco Santiago

Irog ko'y dinggin
Ang tibok ng puso
Sana'y damdamin
Hirap nang sumuyo
Manong itunghay
Ang matang mapungay
Na siyang tanging ilaw
Ng buhay kong papanaw

Sa gitna ng karimlan,
Magmadaling araw ka
At ako ay lawitan ng habag
At pagsinta
Kung ako'y mamatay
Sa lungkot, nyaring buhay
Lumapit ka lang at mabubuhay

At kung magkagayon Mutya,
Mapalad ang buhay ko
Magdaranas ng tuwa dahil sa iyo
Madaling araw na sinta
Liwanag ko't tanglaw
Halina irog ko at
Mahalin mo ako

Mutyang mapalad na ang buhay ko
Nang dahilan sa ganda mo,
Madaling araw na sinta
Liwang ko't tanglaw
Halina irog ko at
Mahalin mo ako

Manungaw ka liyag
Ilaw ko't pangarap
At madaling araw na.

*Waw, Twilight na Breaking Dawn!